140 lugar nabiyayaan ng 4G LTE upgrades ng Globe
MANILA, Philippines — Umabot sa 140 bayan at lungsod ang nabiyayaan ng network upgrades ng Globe kamakailan.
Nabatid na 25 barangay mula sa 2G/3G ay napa-upgrade sa 4GLTE kaya’t humusay ang call, text at data services nito para sa mga customer sa Lucban, Quezon; Lobo, Batangas; Jolo, Sulu; Guinobatan, Albay; Limay, Bataan; Antipolo at Cainta sa Rizal; Lapu-Lapu, Cebu; Legazpi City, Albay; Angeles City, Pampanga; Malolos City, Bulacan; Pontevedra, Capiz, Sta. Rosa City, Laguna; Quezon City, Valenzuela City, Parañaque City, Las Piñas City, at Manila sa Metro Manila; Ormoc City, Leyte; at San Francisco, Agusan Del Sur.
Ipinatupad din ang sites upgrade sa El Nido sa Palawan; Botolan sa Zambales; Bantay, Ilocos Sur; Buguey, Cagayan; Cadiz City, Negros Occidental; Cabucgayan, Biliran; Isabel, Leyte; Isulan City, Sultan Kudarat; Pandan, Antique; San Felipe, Zambales; Orion, Bataan; at Maddela, Quirino.
Sinabi ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group na ang kanilang mga customer sa naturang mga lugar ay nagsisimula nang makaramdam ng improved experience, lalo na para sa data services na ginagamit sa distance learning, pag-download ng mga pelikula, gaming at work from home requirements.
- Latest