^

Police Metro

3 drug suspects timbog sa P20.4 milyong shabu

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong drug suspects kabilang ang isang menor de edad ang nadakip sa isang buy-bust operation ng mga tauhan ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nasamsam ang nasa P20,400,000 halaga ng shabu  sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Jaynard dela Rosa Pamittan; John Jever Gujilde; at isang alyas Nel, isang menor de edad.

Sa ulat ng PDEA, bago naaresto ang mga suspek, alas-6:30 ng gabi sa open parking lot ng Market Market ng lungsod ay nakatanggap ng tip ang mga otoridad hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspek.

Nang makumpirma ang ulat, nakipagtransaksiyon ang mga otoridad sa mga suspek at nagkasa ng isang buy-bust operation at inaresto ang mga suspek matapos na bentahan ng shabu ang isang poseur buyer.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit-kumulang sa tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400,000, dalawang mobile phones at isang itim na Honda City (ALA-5893), na ginamit sa transaksiyon, at genuine na P1,000 at boodle money.

vuukle comment

PDEA

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with