^

Police Metro

Kaso ng COVID-19 aabot sa 480K

Angie dela Cruz - Pang-masa

Sa katapusan ng Nobyembre…

MANILA, Philippines — Sa susunod na dalawang linggo ay inaasahan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa pagdami ng mga pampasaherong sasakyan.

Ito ay batay sa OCTA Research na nagsasagawa ng monitoring sa kondisyon ng kaso ng COVID-19 sa bansa at posibleng umabot sa 480,000 ang kabuuang kaso sa katapusan ng Nobyembre.

Ayon sa grupo, hindi pa sila makapagtaya ng mas eksaktong mga numero dahil sa ikinukunsidera pa rin nila ang patuloy na pagkaantala sa RT-PCR testing ng mga malalaking laboratoryo ng Philippine Red Cross (PRC).

Sinabi ni Prof. Guido David, miyembro ng research team, na mas importante pa ring tingnan ang bilang at antas ng mga aktibong kaso kaysa sa kabuuang bilang ng naitalang kaso.

Kaya’t kanilang ine­rekomenda sa pamahalaan ang agarang pagpapalakas sa national health care system tulad ng manpower, equipment at bed capa­city para sa potential outbreaks, pagpapadami ng Covid testing para sa inaasahang pagtaas ng kaso, pagpapalakas sa pagpapatupad ng contact tracing at pagpapalakas sa contact tracing app para sa mabilis na pagtukoy sa mga taong nakasalamuha ng infected sa virus.

Nais din ng grupo na palakasin ng pamahalaan ang pandemic surveillance para makatulong ito sa pagdetermina sa pagsasailalim sa isang lugar sa lockdown at matiyak ang pagtutulungan sa medical at isolation facilities.- Danilo Garcia

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with