^

Police Metro

3 patay, 13 missing kay Quinta — NDRRMC

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesman Mark Timbal na tatlo ang nasawi at 13 pang nawawala dahil sa paghagupit ng Bagyong Quinta.

Ang dalawa dito ay nalunod sa Negros Oriental na ang isa ay 60-anyos na babae mula sa bayan ng Siaton at isang lalaki mula sa bayan ng Bindoy.

Ang ikatlo naman ay nalunod rin mula sa Mogpog, Marinduque habang isa ang sugatan matapos malaglagan ng basag na baso.

Samantala, 13 naman ang naiulat na nawawala kasama ang isa sa mga tripulante ng lumubog na yate sa Bauan, Batangas.

Isa sa mga ito ay pinaniniwalaang inanod ng malakas na agos ng ilog sa Odiongan, Romblon; siyam na mangingisda mula sa Catanduanes and Camarines Sur; isang mangingisda sa Iloilo; at isa naman sa Negros Oriental na umano’y inanod din ng ilog.

Iniulat din ni Timbal na mayroong kabuuang 843 evacuation centers sa Cordillera Administrative Region, the National Capital Region, Region III, Calabarzon, Mimaropa, Region V, Region VI, Region VII, at Region VIII na tinutuluyan ng mga apektadong mga indibidwal.

Mayroong 914,709 katao ang apektado ng kalamidad o 237,948 na pamilya.

Sa bilang na ito, 22,029 pamilya o 77,793 katao ang nasa evacuation centers.

vuukle comment

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with