Pagbili ng vaccine sa China dapat government to government — Duterte
MANILA, Philippines — Mas gusto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang government-to-government transaction sa pagbili ng vaccine laban sa COVID-19 mula sa China.
Ang katuwiran ng Pangulo, mas bukas umano ang korapsyon kapag nakipag-deal sa private entities.
“Ayaw ko ‘yung bibili tayo sa private Chinese businessmen. Diyan magkakalokohan,” ayon kay Pangulong Duterte.
“Hindi kami manghihingi, we will pay. Sana government-to-government ang transaction, walang corruption,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, mayroon ng inilaan ang pamahalaan na P2.5 bilyong piso para bumili ng vaccines laban sa COVID-19, subalit sinabi ng Department of Health na ang halagang ito ay kapos ng P10.5 bilyon.
Gayunman, sinabi ng Chief Executive na mayroon siyang “full confidence” na matutulungan ng Chinese government ang Pilipinas pagdating sa bakuna laban sa COVID-19.
- Latest