GCQ iiral pa rin sa Metro Manila,6 pang lugar
Sa public address nito, nilahad ng Pangulo ang mga lugar na isasailalim sa GCQ ay ang Metro Manila; Batangas; Iloilo City; Bacolod City; ­Tacloban City; Iligan City; at Lanao del Sur.
STAR/Edd Gumban, file
GCQ iiral pa rin sa Metro Manila,6 pang lugar
Malou Escudero (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinailalim ni President Rodrigo Duterte ang Metro Manila at anim pang mga lugar sa general community quarantine (GCQ) mula November 1 hanggang 30.

Sa public address nito, nilahad ng Pangulo ang mga lugar na isasailalim sa GCQ ay ang Metro Manila; Batangas; Iloilo City; Bacolod City; ­Tacloban City; Iligan City; at Lanao del Sur.

Ayon sa Pangulo, karamihan sa mga mayors ay gustong maging permanente ang GCQ dahil napapababa ang kaso ng may COVID-19.

Sinabi rin ni Duterte na patuloy na babantayan ng pamahalaan ang kaso ng COVID-19 upang makontrol ang paglobo nito at tuluyan ng makapagbukas ang ekonomiya ng bansa.

Magugunitang mismong ang mga Metro Manila Mayors ang humiling kay Duterte na kung maaari ay manatili sa GCQ ang National Capital Region o NCR hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Ayon pa sa Pangulo, hindi layunin ng gobyerno na maging mise­rable ang buhay ng mga mamamayan.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with