Kaso tuloy kahit magbitiw kayo!
Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga tiwaling opisyal na sa taped address ng Chief Executive, at ang tinukoy ang nangyaring kaganapan sa PhilHealth kung saan mahigit 40 senior officials ang nagbitiw sa puwesto para mabig­yang daan ng reorganization ng scandal-plague agency.
STAR/File
Kaso tuloy kahit magbitiw kayo!
Malou Escudero (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

Duterte sa mga tiwaling opisyal…

MANILA, Philippines — “Hindi sila maililigtas ng pagbibitiw sa puwesto at siguradong swak ang mga ito mula sa criminal o administrative liability.”

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga tiwaling opisyal na sa taped address ng Chief Executive, at ang tinukoy ang nangyaring kaganapan sa PhilHealth kung saan mahigit 40 senior officials ang nagbitiw sa puwesto para mabig­yang daan ng reorganization ng scandal-plague agency.

“Let me remind everybody in this government. Your resignation will not save your neck,” giit ng Pangulo.

“You are not allowed to resign to escape liability,” diing pahayag nito.

Una nang pinalawig ni Pangulong Duterte ang saklaw ng imbestigasyon ng inter-agency task force na binuo nito para tingnan ang korapsyon sa pamahalaan.

Ipinag-utos ni Pa­ngulong Duterte sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Binuo ng Chief Executive ang inter-agency body noong buwan ng Agosto para imbestigahan ang alegasyon ng korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

PHILHEALTH SCAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with