Bagyong Quinta bahagyang lumakas
Nabatid na alas-4:00 ng hapon ay namataan ang sentro ng bagyong Quinta sa layong 310 kilometro ng kanluran ng Calapan City,Oriental Mindoro at patuloy ang pagkilos pakanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.
bagong.pagasa.dost.gov.ph
Bagyong Quinta bahagyang lumakas
Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

Papuntang West Philippine Sea…

MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Quin­ta habang ku­mikilos pakanluran hilagang kanluran sa West Philippine Sea.

Nabatid na alas-4:00 ng hapon ay namataan ang sentro ng bagyong Quinta sa layong 310 kilometro ng kanluran ng Calapan City,Oriental Mindoro at patuloy ang pagkilos pakanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Taglay ni Quinta ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kilometro malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 160 kilometro bawat oras.

Kaya’t nakataas ang babala ng bagyo sa Signal number 1 sa Luzon sa Batangas, Occidental Mindoro kasama na ang Lubang Island, Oriental Mindoro, at Calamian Islands gayundin sa Visayas sa extreme northern portion ng Antique sa Caluya.

Si Quinta ay magdadala pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa buong Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, northern Palawan kasama na ang Calamian at Cuyo Islands, CALABARZON, Aurora, at Isabela.

Magdadala rin ng malakas na pag-ulan ang tail-end of a frontal system sa buong Cagayan, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Si Quinta at ang tail-end of a frontal system ang magdadala ng katamtaman na minsa’y malakas na pag-ulan sa buong  Metro Manila, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, at nalala­bing bahagi ng Luzon.

Ang bagyong Quinta ay patuloy ang pagkilos pakanluran hilagang kanluran papuntang western boundary ng Philippine Area of Responsibi­lity (PAR) at inaasahang lalabas ngayong Martes.

BAGYONG QUINTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with