DOJ ibinasura ang kidnapping case vs Joma et al
Inaprubahan ni Prose­cutor General Benedicto Malcontento ang isang resolusyon na may petsang Oktubre 15 mula sa mga nag-imbestigang prosecutor at nagrerekomenda sa pagdismis sa kasong kidnapping kaugnay ng pag-recruit umano sa 19-anyos na si Alicia Jasper Lucena sa armadong grupo.
www.ndfp.org
DOJ ibinasura ang kidnapping case vs Joma et al
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Department of Justice ang kasong kidnapping na isinampa laban kina Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison, Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, Bayan Muna chairman Neri Colmenares at iba pa ukol sa akusasyon ng pagdukot sa mga estudyante para sa recruitment ng Anakbayan.

Inaprubahan ni Prose­cutor General Benedicto Malcontento ang isang resolusyon na may petsang Oktubre 15 mula sa mga nag-imbestigang prosecutor at nagrerekomenda sa pagdismis sa kasong kidnapping kaugnay ng pag-recruit umano sa 19-anyos na si Alicia Jasper Lucena sa armadong grupo.

Nag-ugat ito sa kasong isinampa ni Relissa Lucena, ina ni Alicia at ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Iginiit nila na isinama si Alicia ng Anakbayan ng labag sa kaniyang kalooban habang nag-aaral pa sa Far Eastern University (FEU) at maging miyembro ng CPP-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP).

Sa 12-pahinang reso­lusyon, pinaboran ng mga prosecutor ang testimonya ni Alicia sa Senado na kusa siyang umalis ng kanilang tahanan at ang kaniyang affidavit na nagsasaad na paminsan-minsan ay umuuwi siya sa kaniyang bahay.

Sa isinampang kasong paglabag sa Republic Act No. 9851 o “Crime Against Humanitarian Law”, sinabi ng prosecutor na ang complainant ay nabigo na patunayan na ang Anakbayan ay isang armadong pu­wersa at gumagamit ng mga bata para sa pakikipag­laban.

Ibinasura rin ng Korte Suprema ang petisyon ng mag-asawang Francis at Relissa para sa ‘writ of amparo at habeas corpus’ dahil sa hindi naman nawawala si  Alicia at hindi rin pinupuwersa ng Anakbayan.

JOSE MARIA SISON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with