^

Police Metro

De Lima walang ebidensiya na sangkot sa Bilibid drug trade

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng legal counsel ni detained Senator Leila De Lima na si Atty. Boni Tacardon na walang nakitang ebidensiya na nag-uugnay na sangkot ito sa New Bilibid Prison (NBP) drug trade.

Ito ay matapos sabihin sa korte ng prosecution witnesses mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na si Artemio Baculi Jr. at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) digital forensic examiner Krystal Caseñas sa isinagawang court hearing via teleconference  kay Judge Liezel Aquiatan, ng Muntinlupa RTC Branch 205 na kahit naririnig nila sa mga usapan ang pangalan ni De Lima ay ’di nila kailanman inim­bestigahan ang Senadora.

Idinagdag pa ni Baculi na walang naging transaksiyon sa pagitan nina convicted druglord Peter Co at De Lima  at isang kapwa akusado na si Jose Adrian Dera, ang dating police asset ng anti-drug unit.

Maging si Caseñas ay umamin na walang palitan ng mensahe kaugnay sa drug transactions sa pagitan nina De Lima at Dera, batay sa messages at call logs na na-extract sa mga cellphones ng mga drug lords na isinumite sa PDEA ng Bureau of Corrections (BuCor).

Hindi tinanggap ng korte ang salaysay ni Caseñas na nagpapahiwatig na si Peter Co ang may-ari ng mga siniyasat niyang cellphone galing sa BuCor sa kadahilanang opinyon lang umano niya ito at wala siyang sapat na basehan.

Punto pa ni Tacardon, maaaring nalabag pa ni Caseñas ang Cybercrime Law nang suriin niya ang mga cellphone nang walang kaukulang pahintulot  na isang paglabag sa Cybercrime Prevention Act dahil sila kumuha ng cyber warrant.

Una nang naghain ng magkahiwalay na Motion for Bail si De Lima noong Hunyo at Agosto  para sa nasabing mga kaso na hindi pa naaksyunan ng korte.- Gemma Garcia

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with