^

Police Metro

Mga sangkot sa DPWH scam pangalanan — Sotto

Gemma Garcia - Pang-masa
Mga sangkot sa DPWH scam pangalanan � Sotto
Ito ang naging panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa Presidential Anti-Corruption Commission na pangalanan ang mga indibidwal na sangkot sa umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
STAR/Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — “Kailangang ilabas natin, patunayan natin, sinu-sino ‘yung mga contractor, sino ‘yung mga congressman, sino ‘yung mga senator, legislator, kahit sino pa, or Cabinet member, kahit sino, ilabas natin.”

Ito ang naging panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa Presidential Anti-Corruption Commission na pangalanan ang mga indibidwal na sangkot sa umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Aniya, dapat pangalanan at magpakita ng ebidensya ang PACC para hindi magalit ang ibang nadadawit na wala namang kinalaman sa iregularidad at lahat ay pinaghihinalaan.

Nauna rito, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na may ilang kongresista na nambu-bully sa DPWH district engineers at nakikipagkutsabahan sa ilang mambabatas, kontraktor at district engineer.

Gayunman, isusumite ng PACC ang kanilang report kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kinauukulang ahensya para sa kaukulang imbestigasyon.

Subalit sinabi ni Sotto na hindi matitigil ang naturang korapsyon kung hindi mailalantad ang kanilang mga pagkakakilanlan.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with