DOH: Kailangan ng COVID-19 vaccine czar
MANILA, Philippines — “Kung magkakaroon po ng vaccine czar, maganda ho ‘yan para focus talaga ang vaccine execution.”
Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kailangan ito para magkaroon ng pokus sa ‘vaccine development and implementation ngunit magiging desisyon pa rin ito ng Office of the President.
Kung magkakaroon umano ng iisang mamumuno sa bakuna, matututukan ang pagtiyak na mabibigyan lahat ng 110 milyong Pilipino nito kapag natapos na ang mga trials at natiyak na epektibo at ligtas ito.
Masosolusyunan din ang ibang mga problemang kinakaharap ukol sa importasyon, ‘logistics’ para maipamahagi sa iba’t ibang probinsya at pag-iimbakan nito na nangangailangan ng ‘cold storage’.
Ang Department of Science and Technology (DOST) at ang Food and Drug Administration (FDA) ang mga ahensya na nangunguna sa mga aksyon ukol sa COVID-19 vaccine.
- Latest