Swabber ni-rape ng PAF officer sa hotel
Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang aktibong miyembro ng Philippine Air Force (PAF) nang ireklamo ng panggagahasa ng isang 22-anyos na babaeng swabber na kasamahan niya sa Lakeshore Hall Mega Swabbing Center sa Bonifacio Global Center, kamakalawa.

Ang suspek na si Airman 1st Class Mark Ivan Venerayan, 28-anyos, residente ng Brgy. Tongko, Tayabas City, Quezon ay pormal na inireklamo ng biktimang itinago sa pangalang “NJ”, isang HPO-1 swabber at residente ng Sunriser Village, Caloocan City.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng madaling araw ng Biyernes (Okt. 23) nang maganap ang umano’y panggagahasa sa Room No. 930, Seda Hotel, na matatagpuan sa 13th Street panulukan ng 11th Avenue, Bonifacio Global City, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Naging magkaibigan umano ang biktima at suspek at workmates sila simula pa noong Agosto 2020 sa Lakeshore Hall Mega Swabbing Center.

 Oktubre 22, 2020 alas-10:00 ng gabi  hanggang alas-4:30 ng mada­ling araw ng Okt. 23 nang mag-inuman ang biktima at suspek kasama ang iba pa nilang kaibigan sa loob ng Room 930.

Nang mag-alisan na ang mga kainuman, naiwan pa ang biktima dahil may tinatawagan pa siya sa telepono at nang matapos sa pakikipag-usap ay nagtungo siya sa comfort room para manigarilyo at sa paglabas niya ay doon na siya puwersahang hinalay ng suspek.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with