^

Police Metro

Motoristang walang RFID, papayagan pa rin

Pang-masa
Motoristang walang RFID, papayagan pa rin
Ayon sa MPTC, ang katumbas na toll fee charge sa pagdaan ng mga naturang motorista sa naturang araw ay ibabawas na lang sa inisyal na load na kanilang ibabayad para sa RFID stickers.
Russell Palma, file

Pero didiretso sa installation lane

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na patuloy nilang papayagang dumaan sa NLEX, SCTEX, Cavitex, C5 Link at Calax ang mga motorista na walang RFIDs hanggang Nobyembre 2 pero padidiretsuhin ang mga ito sa RFID installation lanes upang makapagpalagay na ng kanilang RFID stickers.

Ayon sa MPTC, ang katumbas na toll fee charge sa pagdaan ng mga naturang motorista sa naturang araw ay ibabawas na lang sa inisyal na load na kanilang ibabayad para sa RFID stickers.

Muling nilinaw ni MPTC Chief of Technology at MPT South President and General Manager Roberto Bontia na libre pa rin ang stickers, at ang paunang load lamang ang kanilang babayaran.

Sa Nobyembre 2, 2020 ay sisimulan na ang implementasyon ng 100% RFID sa lahat ng expressways. Kasunod na rin ito ng inisyu ng Department of Transportation (DOTr) na Department Order 2020-012, na naglalayong maiwasan ang pagkalat ng CO­VID-19 at mapadali ang pagdaan sa expressways.

Samantala, sinabi ni Luigi Bautista ng NLEX Corporation na bubuksan ng MPTC ang mga RFID installation lanes sa lahat ng entry toll plazas upang magsilbi sa mga moto­rista na wala pang Easytrip RFID kahit matapos na ang Nobyembre 2.

vuukle comment

RFID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with