^

Police Metro

Online scams lumobo sa COVID-19 quarantine

Mer Layson - Pang-masa
Online scams lumobo sa COVID-19 quarantine
Ito ang kinumpirma kahapon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at lumalabas sa datos na 869 online scams ang naitala nila mula Marso hanggang Setyembre 2020. Mas mataas anila ito ng 37.2% kumpara sa 633 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dahil sa paggamit ng social media platforms sa mga transaksyon sa panahon na umiiral ang community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic, lumobo ang mga kaso ng online scams at computer-related identity thefts sa bansa.

Ito ang kinumpirma kahapon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at lumalabas sa datos na 869 online scams ang naitala nila mula Marso hanggang Setyembre 2020. Mas mataas anila ito ng 37.2% kumpara sa 633 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Ang identify thefts naman kung saan ang mga tao ay nagpapanggap na ibang tao upang makagawa ng krimen, ay tumaas din ng 21.47% o mula 298 ay naging 362.

Ayon kay ACG spokesman Maj. Joseph Villaran, sinamantala ng mga kriminal ang pan­demya para manloko ng mga tao na napuwersang manatili sa kanilang mga tahanan upang hindi mahawa ng virus. Aniya, lumipat ang mga tao sa paggamit ng online tran­sactions dahil sa pan­demya, gamit ang social media platforms tulad ng Facebook upang bumili ng mga produkto.

Inihalimbawa ni Villaran ang nangyari sa San Pedro City, Laguna, kung saan isang 24-anyos na lalaki ang nawalan ng P24,000 mula sa fraudulent transaction sa Instagram para sa isang iPhone 11, nito lamang Miyerkules.

Samantala, bumaba naman ang cybercrimes sa pangkalahatan ng 4.26% o mula 3,001 ay naging 2,873. Bumaba rin ang kasong voyeurism, ng mula 390 ay naging 255 o 34.61%; computer hacking na bumaba ng 50.52% o 190 ay naging 94; illegal access mula 159 hanggang 127 o pagbaba ng 20.12% at online libel na bumaba ng 3.93% o mula 711 ay naging 683 na lamang.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with