^

Police Metro

7 doktor, 1 nars ng Fabella Hospital nagpositibo sa COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pitong doctor at isang nars ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital ang nagpositibo sa CO­VID-19 kaya’t hindi muna sila tumanggap ng pasyente simula kahapon.

“Ipinagbibigay-alam namin sa publiko, lalo na sa mga pasyente namin at sa mga ibang pasyente na nagnanais sanang pumunta ng Fabella Hospital na as of today, Oct. 23, itinitigil muna namin ang admission both ng OB o mga pasyenteng buntis, pati na rin mga bata,” pahayag ni Dr. Diane Cajipe, public information officer ng ospital.

Ang mga nagpositibong medical worker ay  kasalukuyang nasa ‘isolation’ na sila at nasa maayos na kundisyon naman dahil sa pawang mga ‘asymptomatic’.

Lumabas ang resulta ng RT-PCR swab test ng mga healthcare emplo­yees nitong Huwebes kaya agad nagdesisyon ang pamunuan ng pagamutan na isara ito kahapon para bigyang-daan ang pagsasagawa ng pagtukoy sa kanilang mga nakasa­lamuha na pasyente at empleyado na isasailalim rin sa swab test.

vuukle comment

CO­VID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with