Cong. Pichay kulong ng 10 taon sa kasong graft
Ang kaso ay nag-ugat may ilang taon na ang nakalilipas matapos namang aprubahan ni Pichay ang paglalabas ng P 1.5-M pondo para sa 2nd Chairman Prospero Pichay Jr., Cup International Chess Championship na noon ay siya ring Presidente ng National Chess Fe­deration of the Philippines (NCFP).
STAR/Michael Varcas, file
Cong. Pichay kulong ng 10 taon sa kasong graft
Joy Cantos (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinatulang guilty ng  Sandiganbayan si da­ting Local Water Utilities Administration Acting Chairman at ngayo’y 1st District Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr . kaugnay ng kasong graft at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials at makukulong ito ng anim na taon hanggang sampung taong at diskuwa­lipikasyon sa paghawak o pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Ayon sa ibinabang hatol ng 5th Division ng anti-graft court, si Pichay ay ‘guilty beyond reaso­nable doubt’ sa kaso ng katiwalian matapos ang ilang taong paglilitis sa kaso.

Ang kaso ay nag-ugat may ilang taon na ang nakalilipas matapos namang aprubahan ni Pichay ang paglalabas ng P 1.5-M pondo para sa 2nd Chairman Prospero Pichay Jr., Cup International Chess Championship na noon ay siya ring Presidente ng National Chess Fe­deration of the Philippines (NCFP).

Si Pichay ay sinampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman sa Sandi­ganbayan noong 2016 sa paglabag sa Section 7 ng Republic Act (RA) 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

GRAFT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with