PACC chief Belgica, kinasuhan sa Ombudsman
Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsampa ng mga kasong katiwalian sa Ombudsman ang mga empleyado ng Duty Free Philippines laban kay Presidential Anti Crime and Corruption (PACC) Commissioner Greco Belgica. 

Ayon sa mga emple­yadong sina Alexander Sablan, Ernesto Manga­lindan, Romeo Silva Jr., Eric Oracion, Rizalino Santos, Nilo Duarte, Joaquin Vibal, Francis Daco at Carlito Ardales na lumapit sila kay Belgica para humingi ng tulong matapos silang tanggalin bilang mga empleyado ng Duty Free Philippines na kung saan sila ay pi­nangakuang tutulungan­ para makabalik sa kani­lang trabaho. 

Pinagbayad din umano sila ng P130,000.00 sa bawat pahina ng ka­nilang reklamo at pinapirma sa mga doku­mento na may kaugna­yan sa smuggling sa loob ng Duty Free Phi­lippines.

Subalit, makalipas ang tatlong taon ay naglabas ng rekomendasyon si Belgica at hindi kasama sa kaso ang inirekla­mong opisyal na si Duty Free Philippines Chief Operating Officer Vicente Pelagio Angala.

Kaya’t umaapela sila kay Pang. Rodrigo Duterte at Sen. Christopher Lawrence Bong Go na tulungan silang makabalik sa trabaho at im­bestigahan ang kurapsyon sa PACC at Duty Free Philippines.

GRECO BELGICA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with