Trillanes at Bikoy naghain ng ‘not guilty plea’ sa kasong inciting to sedition
Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naghain ng “not guilty” sina dating Senador Antonio Trillanes IV at Peter Advincula alyas Bikoy sa alegasyong nais nilang pabagsakin ang Duterte admi­nistration sa QC Metropolitan Trial Court Branch 138 sa kanilang arraignment kahapon kaugnay ng kasong inciting to sedition.

Sina Trillanes, Advincula at pitong iba pa ay mga respondent sa kasong isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group kaugnay sa recorded video ng “Ang Totoong Narcolist” kung saan idinawit ang pamilya ni Pang. Rodrigo Duterte sa kalakaran ng illegal drugs sa bansa. 

Una ng nakitaan ng City Prosecutor’s Office ng probable cause ang isinampang kaso ng CIDG laban kina Trillanes at Advincula habang ibinasura naman ang kaso laban kay Vice President Leni Robredo hinggil dito. 

Si Advincula ang unang umamin na siya ang Bikoy sa recorded video kung saan binayaran umano siya ni Trillanes at iba pang taga-Liberal Party para idiin ang pamilya ng Pangulo sa drug syndicate sa bansa. 

Itinakda naman ng korte sa February 7, 2021 ang susunod na pagdinig  sa gagawing  pre trial at marking of evidence kaugnay ng kaso.

ANTONIO TRILLANES IV
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with