Kilos-protesta sa kalsada bawal pa
Ito ang ipinaalala kahapon ni Presidential Spokes­person Harry Roque matapos magsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang progresibong grupo sa Mendiola kamakalawa.
STAR/Miguel de Guzman, file
Kilos-protesta sa kalsada bawal pa
Malou Escudero (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Hindi pa pinapayagan ang pagsasagawa ng kilos-protesta sa mga lansangan at limitado pa rin sa 10 ang puwedeng magtipun-tipon.”

Ito ang ipinaalala kahapon ni Presidential Spokes­person Harry Roque matapos magsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang progresibong grupo sa Mendiola kamakalawa.

Kinondena ng mga nagkilos-protesta ang mga umano’y pang-aabuso ng gobyerno partikular na ang dinanas ng political prisoner na si Reina Mae Nasino. 

Binatikos nila ang kabiguan umano ng gobyerno na masuportahan ang sektor ng mga magsasaka sa panahon ng pandemya.

Ayon kay Roque, ang karapatan ng malayang pananalita ay garantiyahan ng Saligang Batas pero dapat limitahan sa sampu ang mga pagtitipon sa panahon ng pandemiya.

Ipinahiwatig din ni Roque na walang ginagawa ang mga nagkilos-protesta kung hindi labanan ang gobyerno at obligasyon pa rin ng Malacañang na isalba ang mga ito kapag nagkasakit.

“Ulitin ko po ‘no: 91% of the Filipinos approved ang ginagawa ng ating Presidente, 5% ay undecided, 5% do not approve. So iyong 5% po kabahagi ang mga raliyista, Pilipino pa rin po kayo, obligasyon pa rin naming itaguyod ang inyong kalusugan, huwag pong magtipun-tipon. Ayaw namin kayong ma-COVID,” ani Roque.

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with