Pope Francis pabor sa civil unionâ ng same sex couplesâ
Sinabi ni Papal biographer Austen Ivereigh na ang pahayag ni Pope Francis ay hudyat ng bagong relasyon ng simbahan sa mga miyembro ng LGBTQ.
Bernard Testa/InterAksyon, File
Pope Francis pabor sa civil union’ ng same sex couples’
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

Duterte payag na maging batas…

MANILA, Philippines — Pabor ang lider ng Simbahang Katolika na si Pope Francis na dapat nasa ilalim ng proteksyon ng anumang batas sa ‘civil union’ ang pag-iisang-dibdib ng mga ‘homosexuals’ o LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender)  sa bansa dahil sa may karapatan rin umano sila na magkaroon ng kanilang pa­milya.

“Homosexual people have a right to be in a family. They are children of God and have a right to a family. Nobody should be thrown out or be made miserable over it,” ayon sa Santo Papa sa dokumentaryo na “Francesco” na inilabas nitong Miyerkules.

Ito ang pinakamalinaw na pahayag bilang pagsuporta ni Pope Francis sa ‘same sex marriage’ sa loob ng pitong taon.  

“What we have to create is a civil union law. That way they are legally covered. I stood up for that,” panawagan pa niya.

Sinabi ni Papal biographer Austen Ivereigh na ang pahayag ni Pope Francis ay hudyat ng bagong relasyon ng simbahan sa mga miyembro ng LGBTQ.

Lumakas ang pag-asa ng Malacañang na maisasabatas ang panukala tungkol sa civil union ng mga same-sex couples matapos eendorso ni Pope Francis ang civil unions ng mag-partners na pareho ang kasarian o sex.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ilang beses nang nasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabor siya sa isang batas na kikilala sa civil union ng same sex relationships.

Sa palagay din ni Roque, may tiyansa na pumasa ang batas dahil suportado ito ng Pa­ngulo.

Pero depende na rin aniya kung bibigyan ito ng prayoridad ng Kongreso.

Idinagdag din ni Roque na wala ng dahi­lan ang mga konserba­tibong mambabatas na Katoliko na tutulan ang panukala dahil suportado ito ni Pope Francis. - Malou Escudero

Related video:

LGBT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with