10 MBPS minimum speed isinusulong
Ang panukalang batas ay isinulong matapos na makarating sa kaalaman nito ang isang magkapatid na lalaki sa Bohol na namatay matapos na makuryente habang nagkakabit ng internet signal booster para sa kanilang online classes.
STAR/File
10 MBPS minimum speed isinusulong
Joy Cantos (Pang-masa) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon  ang 10 MBPS minimum speed para sa mga broadband internet sa bansa upang hindi magkaroon ng aberya sa online classes.

Inihain niya ang House Bill (HB) 28 o ang Faster Internet Services Act na nag-oobliga sa mga Internet Service Providers (ISPs) na magkaloob ng minimum  na koneksyon sa bilis ng internet na nasa 10 megabytes per second (MBPS).

Ang panukalang batas ay isinulong matapos na makarating sa kaalaman nito ang isang magkapatid na lalaki sa Bohol na namatay matapos na makuryente habang nagkakabit ng internet signal booster para sa kanilang online classes.

Binigyang diin pa ni Biazon na ang Pilipinas ay napag-iwanan na sa bilis ng serbisyo ng internet ng iba pang mga bansa sa Asya. Tinukoy ni Biazon na ang Singapore ay may average download speed na 133.1 MBPs kumpara sa napakahinang 3.7 MBPs sa Pilipinas  na pinakamababa sa buong Association of Southeast Asian Nationals (ASEAN).

 

INTERNET
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with