5 PDEA agents kinasuhan sa pekeng buy-bust

MANILA, Philippines — Kinasuhan ang limang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng  administratibo at indirect contempt matapos na madiskubreng nagsinungaling  sa pagdakip sa umano’y sangkot sa illegal drugs.

Ang limang ahente ay kinilalang sina Nelson Muchuelas, May Ann Carmelo, Jose Anthony Juanites, Cheryl Mae Villaver at Realyn Pinpin.

Sa report, sinabi ng mga ahente ng PDEA na isang nagngangalang Richard Torres at apat iba pa ang naaresto sa bahay ni Torres noong June 28 ng taong ito, nang ikasa ang isang drug buy-bust operation.

Sinabi ng poseur-buyer at confidential informant na ang tatlong akusado na sina Gabriel Aranas, Gwendell Ozoa at Katrina Tish Dabao ay nagsagawa ng pot session habang si Torres at umano’y kanyang supplier na si Shinette Sarabia ay nagbenta ng isang maliit na plastic sachet ng shabu sa poseur-buyer.

Pero nagpakita ang mga akusado ng CCTV footage mula sa mga camera na ino-operate ng city government kung saan makikita si Torres, Dabao, Ozoa at Aranas na “kinuha” ng PDEA agents isa-isa malapit sa isang a traveller’s lodge at puwersahang pinapasok sa loob ng isang kulay asul na AUV.

Ginamit din ng mga ahente ng PDEA ang kaparehong AUV, na nakarehistro sa ahensya, sa pag-pick up kay Sarabia sa harap ng isang restaurant..

Maya-maya dinala ang mga ito sa bahay ni Torres kung saan sila inaresto.

 

Show comments