33-anyos na nam-bully sa 82-anyos, patay
Tony Sandoval (Pang-masa) - October 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay habang dinadala sa ospital ang isang 33-anyos na magsasaka matapos siyang saksakin ng 82-anyos na kanyang binu-bully, kamakalawa ng hapon sa Barangay San Antonio Pala, Catanauan, Quezon.

Ang biktima na nasawi dahil sa mga tinamong saksak sa likod ay nakilalang si Norberto Delos Angeles, may live in partner, habang agad naaresto ang suspek na si Terso Olimba, isa ring magsasaka.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas 3:00 ng hapon ay nasa loob ng kanyang kubo ang suspek at tinatanggalan ng hibla ang mga inaning mais nang dumating ang galit na galit na biktima.

Hinatak palabas ng biktima ang suspek saka pinagsusuntok at tinaga pa ng gulok na sa kabutihang palad ay nailagan ng huli.

Susundan pa sana uli ng taga ng biktima ang suspek, subalit naagaw nito ang gulok at dalawang beses na sinaksak ang biktima sa likod na namatay habang isinusugod sa Bondoc Peninsula District Hospital.

BULLY PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with