P/General na nasaktan sa chopper crash, pumanaw na
MANILA, Philippines — Pumanaw na si dating PNP comptrollership chief Major Gen. Joevic Ramos matapos ang pitong buwang pagkaka-comatose nang bumagsak ang sinasakyan nilang chopper noong Marso sa San Pedro, Laguna.
Magugunita na si Ramos, 55 ay kabilang sa sakay ng PNP Bell 429 nang bumagsak ito kasama si dating PNP chief General Archie Gamboa nang sumabit sa kable ng kuryente ang elisi ng helicopter.
Malubhang nasugatan at nagtamo ng head injury si Ramos sa pagbagsak ng chopper.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PNP sa mga naulila ni Ramos na miyembro ng PMA Sinagtala Class of 1986.
- Latest