Katiwalian sa DBM idinulog kay PRRD
(Pang-masa) - October 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinulatan ng isang general manager ng cons­truction firm si Pangulong Rodrigo Duterte para isumbong ang umano’y nagaganap na katiwalian sa Department of Budget and Ma­nagement (DBM).

Sa isang pahinang sulat ni Virginia Rodriguez, dating sports writer sa Pangulong Duterte na siya ay biktima ng maling akusasyon makaraang nagpalabas ang DBM ng umano’y maling “notice to the public”.

Nakasaad sa Notice to the Public ang mga katagang “This is to warn the public of the recently reported incidents regarding individuals claiming to have the capacity or influence to facilitate the release of funds to Local Government Units (LGUs). Based on reports received by various LGUs, The Following individuals are misre­presenting themeselves as employees of the DBM.

Kabilang ang pangalan ni Rodriguez at apat na iba pa ang tinukoy ng DBM at pinabubulaanan ang akusasyon at sinabing wala siyang kakayahan para impluwensiyahan ang DBM.

Ipinagtataka rin ni Rodriguez kung bakit naglabas agad ng notice to the public ang DBM na hindi man lamang muna nag-imbestiga.

Sa sulat sa Pangulo ni Rodriguez ay tinukoy nito na ang dati nitong agent na si Christine Escalante Reuyan na kanyang sinibak ang umano’y nasa likod ng paninira sa kanya.

Si Reuyan ay isa sa kinasuhan ni Rodriguez sa Las Piñas prosecutors office ng kasong grave threats dahil sa kanyang mga pagbabanta.

DBM RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with