^

Police Metro

2nd round ng rigodon sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magkakaroon muli ng panibagong balasahan sa committee chairmanship sa Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso.

Ito ang sinabi ni Speaker Lord Allan Ve­lasco at pinag-aaralan pa niya ang mga committee chairmanship habang nakabakasyon ang Kamara para malaman kung sinong mga kongresista ang dapat mapalitan sa puwesto.

Inihayag ni Velasco sa panahon ng nakabakasyon ang Kamara kung saan sa Nobyembre 16 pa muli magbubukas ang sesyon ay isasailalim niya sa masusing ebalwasyon ang performance ng mga chairman ng mga committee upang mabatid kung sino sa mga ito ang dapat palitan sa puwesto.

Si Velasco ay naupong lider ng Kamara matapos namang iboto ng 186 kongresista na tuluyang nagpatalsik sa puwesto kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano  matapos itong hindi tumalima sa 15-21 term sharing agreement. 

Alinsunod sa deal, ang Speaker at ang Chairman ng Committee on Accounts lamang ang dapat palitan, pero sinabi ni Velasco sa mga nangyari ay nasira na ang term-sharing agreement.

Ayon kay Velasco, may mga posisyon na dapat palitan ang chairmanship dahilan sa kailangan ay may tiwala ang Speaker sa hahawak ng nasabing mahahalagang puwesto na krusyal sa  liderato ng Kamara.

Sinabi pa ni Velasco na si Leyte Rep. at House Majority Leader Martin Romualdez  na naging kandidato rin bilang Speaker noong 2019 ang hindi niya papalitan sa puwesto.

Hindi naman aniya bahagi ng deal na manatili sa puwesto bilang Deputy Speaker ang kaniyang kritiko na si 2nd District Camarines Sur. Rep. Luis Raymund Villafuerte.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with