Barriers ipapatupad sa mga motorcycle taxi
Mer Layson (Pang-masa) - October 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa sandaling payagan ng pamahalaan na mu­ling mag-operate sa mga susunod na araw ang mga motorcycle taxi ay nilinaw ni  Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na required sa mga driver na maglagay ng barriers upang masigurong hindi magkakaroon ng hawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Hindi naman ire-require ang mga pasahero na magkaroon o bumili ng sarili nilang helmet pero makabubuti kung may dalang sariling helmet ang mga pasahero para na rin sa kanilang sariling kaligtasan.

Ayon kay Año, maaa­ring pahiramin ng mga motorcycle taxi drivers ng helmet ang kanilang mga pasahero ngunit dapat aniyang tiyakin na na-disinfect mabuti ang helmet dahil maaari itong pagmulan ng virus transmission.

Naniniwala rin si Año na malaking tulong sa mga commuters ang pagpayag na makabiyahe na muli ang mga motorcycle taxis.

Dahil pinayagan na ng pamahalaan ang mga negosyo na mag-operate sa kanilang 100% capa­city, maaari naman aniyang umabot sa 400,000 manggagawa ang mai­-stranded dahil sa limitado pa ring pampublikong transportas­yon.

DILG EDUARDO AñO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with