3 timbog sa P6.8 milyong shabu sa Maynila
Mer Layson (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong hinihinalang drug pushers matapos makumpiskahan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Maynila kahapon ng hapon.

Ang mga naaresto ay nakilalang sina John Mark Alvarez Aguilla, 20, residente ng  Bluementrit, Sta Cruz, Manila; Roland Joe Orgon?o, 21, ng  1723 Unit 1, A. Mendoza St., Sampaloc, Manila; at  Julius Canary Villarosa, 22, at naninirahan sa 2558 Rizal Ave. St., Sta Cruz, Manila

Ayon sa PDEA, dakong alas-5:00 ng hapon ay nakipagtransaksyon ang poseur buyer sa mga suspek sa may gasoline station sa Brgy. 526, Zone 52, District 4, Sampaloc.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa isang kilong hinihinalang shabu, buy-bust money at dalawang motorsiklo.

PDEA SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with