2 panukala sinertipikahang ‘urgent’ ni Duterte
Malou Escudero (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinertipikahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang dalawang panukalang batas na naglalayong pa­lakasin ang Anti-Money Laundering Law at magpapatatag sa financial industry laban sa COVID-19.

Kapwa sinulatan ni Duterte sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Speaker Lord Allan Velasco upang ipaalam na pinamamadali ang pagpasa ng Senate Bill 1412 na may kahalintulad ring panukala sa Kamara.

Ayon sa Pangulo, mahalagang makatugon ang bansa sa legal standards ng mga international bo­dies para sa anti-money laundering at masawata ang mga nagbibigay ng pondo sa terorismo at mahalagang tumupad sa mga ipinatutupad na panuntunan ng mga international bodies upang hindi maapektuhan ang ipinadadalang pera ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Nais din ng Pangulo na maisabatas agad ang Senate Bill No. 1849 o “An Act Ensuring Philippine Financial Industry Resiliency Against COVID-19 Pandemic” na magpapalakas naman ng mga negosyo sa bansa para mabilis na makabangon ang ekonomiya na nalugmok dahil sa pandemya.

COVID-19 RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with