Meralco âdi magpuputol ng kuryente hanggang Disyembre
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, sa ngayon inaantabayanan pa nila ang ipalalabas na mga panun­tunan ng ERC hinggil sa ekstensiyon ng naturang polisiya. Paniniguro pa niya, tatalima sila kung magkakaroon ng kautusan, base sa bagong guidelines o advisory.
STAR/Boy Santos, file
Meralco ‘di magpuputol ng kuryente hanggang Disyembre
Mer Layson (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nangako ang Manila Electric Co. (Meralco) na tatalima sila sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na palawigin pa ang kanilang “no disconnection policy” hanggang sa Disyembre, 2020.

Ito’y sa gitna pa rin ng nananatiling pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga,  sa ngayon inaantabayanan pa nila ang ipalalabas na mga panun­tunan ng ERC hinggil sa ekstensiyon ng naturang polisiya. Paniniguro pa niya, tatalima sila kung magkakaroon ng kautusan, base sa bagong guidelines o advisory.

Muli rin namang tiniyak ni Zaldarriaga na magiging “very conside­rate” sila at nanindigan na hindi nila prayoridad ang pagpuputol ng kuryente sa ngayon.

Matatandaang ang “no disconnection policy” ng Meralco ay magtatapos sana ngayong Oktubre 31. Gayunman, sinabi ng ERC na plano nilang palawigin pa ito hanggang sa katapusan ng taon dahil marami pa ring mga consumers ang hindi nakakabangon sa epekto ng pandemya.  

ERC MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with