P20 bilyong pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine
“That means an average of P1,000 per Filipino to be inoculated. Health professionals are saying one would need two to three doses to fight the infectious new coronavirus. If that is so, P1,000 would translate to P500 per dose, if two doses are needed, and P333, if three doses are required,” ayon sa House Committee on Public Accounts.
AFP/Nicolas Asfouri
P20 bilyong pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine
Joy Cantos (Pang-masa) - October 17, 2020 - 12:00am

Para mabakunahan ang 20 milyong mahihirap na Pinoy…

MANILA, Philippines — Dapat pondohan ng pamahalaan ng P20-B ang pagbili ng bakuna laban sa coronavirus upang mabakunahan ang tinatayang 20-M mahihirap na Pilipino.

“That means an average of P1,000 per Filipino to be inoculated. Health professionals are saying one would need two to three doses to fight the infectious new coronavirus. If that is so, P1,000 would translate to P500 per dose, if two doses are needed, and P333, if three doses are required,” ayon sa House Committee on Public Accounts.

Ayon sa komite, ang mga mayayamang bansa at drug companies ay nagde-develop na ng bagong bakuna sa COVID-19 at masuwerte na kung makabili ang Pilipinas ng P500 kada dosage nito.

Ayon sa komite, P 2.5 bilyon na nakapaloob sa panukalang P 4.506 tril­yong national budget ng pamahalaan para sa pagbili ng bakuna sa COVID 19 ay masyadong maliit at hindi sapat dahil nasa 20-M ng mga mahihirap na Pilipino ang dapat mabakunahan.

Ang inisyal na target ay nasa 1/5 ng 20 % ng kabuuang populasyon ng bansa kung saan kung makakabili ng P 500 per dose ng bakuna ay kailangang dalawang dose bawat isa  na para lamang sa 2.5-M Pilipino.

VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with