Ambulansiya vs trak: 4 patay, 3 sugatan
Ambulansiya vs trak: 4 patay, 3 sugatan
Tony Sandoval (Pang-masa) - October 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang apat katao habang tatlo ang malubhang nasugatan matapos na salpukin ang sinasakyan nilang ambulansiya ng isang 10-wheeler truck sa kahabaan ng Quirino Highway, Brgy. San Vicente, Tagkawayan, Quezon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Melchor Escandor, 45, may-asawa, driver ng ambulansya na nakarehistro sa Albay, LGU; Jocelyn Espadero; Silvestre Camposanto, kapwa may mga sapat na gulang at Aljon Gime, 12, pawang mga residente ng Gubat, Sorsogon.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Nigel Gime, 8;Lanie Escandor, 43; at Rose Ann Espineda, 30.

Sa imbestigasyon, alas-9:30 ng umaga ay tinatahak ng ambulansya na minamaneho ni Escandor ang nasabing highway upang dalhin sa Maynila ang isa sa mga biktima nang kainin umano ang kanilang linya ng humahagibis na kasalubong na 10 wheeler Isuzu Giga truck na minamaneho ni Gerardo Bandales at sila ay nabangga.

Sa lakas nang pag­kabangga ay nayupi ang unahang bahagi ng ambulansya na naging sanhi upang magtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang driver at dalawang sakay na agad isinugod sa ospital, subalit idineklarang patay habang agad na namatay si Aljon.

Matapos na mabangga ang ambulansya ay binangga din umano ng trak ang nakaparadang van na minamaneho ni Domingo Tayoto na mapalad na hindi nasaktan.

Ang suspek ay nasa kustodiya ng pulisya at inihahanda na ang mga kaukulang kaso.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with