Grade 7 nahulog mula sa ika-4 na palapag ng gusali
Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 12-anyos na lalaki ang nilalapatan ng lunas sa ospital matapos masugatan nang mahulog mula sa ikaapat na palapag sa Building 4, Centennial Village, Barangay Western Bicutan, Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Southern Police District, alas-6:30 ng gabi ay saglit lumabas ang 40-anyos na nanay para pumunta sa kapitbahay upang manghiram ng cellphone na gagamitin sa pagsagot ng module ng mga anak.

Pagkalipas ng 10 minuto, bumaba naman ang kuya para bilhan ng pagkain ang biktima na isang  Grade 7 student.

Pagbalik ng kuya ay nadatnan niya ang isa nilang kapitbahay na buhat-buhat ang kapatid at sinabing nahulog  mula sa 4th floor.

Agad itinakbo ang bata sa Ospital ng Makati kung saan siya inoobserbahan.

Lumabas sa imbestigasyon na umakyat ang bata sa bintana na walang grill upang kunin ang nakasampay na comforter nang ito ay mawalan ng balanse at nahulog.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with