Curfew sa Metro Manila iklian, work shift ipatupad
Ito ang sinabi ni IATF Vice Chairman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang pagtatakda sa mga manggagawa na magreport ng magkakatulad na oras ay maaring mahirap na ipatupad ang social distancing.
STAR/Miguel De Guzman, file
Curfew sa Metro Manila iklian, work shift ipatupad
Gemma Garcia (Pang-masa) - October 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para maipatupad pa rin ang physical distancing ay payag ang Inter-Agency Task Force on Management and Emerging infectious Diseases (IATF) na iklian ang oras ng curfew sa Metro Manila at ipatupad ang work shifts.

Ito ang sinabi ni IATF Vice Chairman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang pagtatakda sa mga manggagawa na magreport ng magkakatulad na oras ay maaring mahirap na ipatupad ang social distancing.

Habang ang staggered work shift naman ay maaa­ring hindi maipatupad kung maagang ipapatupad ang curfew hours kaya para maipatupad ito ay iklian ang curfew na mula sa dating 9 pm ay maaring gawing 1 am.

Tatanungin din umano nila ang Metro Manila ma­yors kung payag sa ganitong alituntunin, bagama’t tama naman ang mga alkalde na magpatupad ng curfew  para madisiplina at maipatupad ang peace and order sa kanilang nasasakupan.

Karaniwang nagsisimula ang curfew sa ilang lugar sa Metro Manila ay alas-10:00 ng gabi at nagtatapos ng alas-5:00 ng umaga .

Idinagdag pa ni No­g­rales na dapat ipagpatuloy pa rin ng mga negosyante ang set up na work from home habang ang mga mall at groceries ay dapat na payagan sa mas mahabang oras para may mabilhan ang mga mangagawa ng kanilang mga kailangan.

CURFEW IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with