13 barangay sa Lucena City lubog sa baha
Kabilang sa mga barangay na pinalubog ng baha ay ang mga barangay ng 1, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, na pawang nasa city proper at ang mga barangay na nasa tabi ng ilog ng Dumacaa at Iyam na Market View, Cotta, Ibabang Dupay at Ibabang Iyam.
STAR/Krizjohn Rosales, file
13 barangay sa Lucena City lubog sa baha
Tony Sandoval (Pang-masa) - October 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Labing-tatlong barangay sa Lucena City, lalawigan ng Quezon ang lumubog sa tubig baha dahil sa walang tigil na buhos ng ulan.

Kabilang sa mga barangay na pinalubog ng baha ay ang mga barangay ng 1, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, na pawang nasa city proper at ang mga barangay na nasa tabi ng ilog ng Dumacaa at Iyam na Market View, Cotta, Ibabang Dupay at Ibabang Iyam.

Ayon kay Gng. Janet Gendrano, Chief Executive Officer ng Lucena Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), alas-2:00 ng madaling araw nang big­lang lumaki ang tubig sa dalawang ilog habang nasa kasagsagan ang buhos ng ulan.

Mabilis na pumasok ang tubig baha sa mga bahay gayunman ay maagap namang nagtungo sa matataas na lugar ang mga residente partikular ang mga naninirahang malapit sa Dumacaa at Iyam river, habang ang iba ay nagtungo sa mga barangay hall na ginawang evacuation centers.

Tinatayang nasa 1,662 pamilya ang nagsisisikan sa ibat ibang mga evacuation centers.

Ayon kay Gendrano, ang biglang pagtaas ng tubig sa dalawang ilog ay bunsod na rin ng malakas na ulan dito at sa mga matataas na bayan ng Lucban at lungsod ng Tayabas na parehong nasa paanan ng Bundok Banahaw.

BAHA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with