^

Police Metro

Metro Manila mayors magkakansela ng mga XMAS party

Danilo Garcia - Pang-masa

Kahit pa mag-MGCQ…

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na banta ng pandemya sa kalusugan ng publiko ay nakatakdang magpalabas ng kautusan ang mga mayor sa Metro Manila para sa kanselasyon ng sari-saring Christmas parties sa lokal na pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Metro Manila Council head at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na hindi na prayoridad ang naturang mga pagtitipon ngayong panahon na naka­tutok pa rin ang pamahalaan kung paano malalabanan ang pagkalat ng virus.

“Siguro po bawat isa po sa amin, magkakaroon ng memorandum sa lahat po ng ating mga departments pati mga nasasakupan na iwasan po talaga ‘yung gatherings nitong Kapaskuhan,” ayon kay Olivarez.

Kahit na ilagay umano ang Metro Manila sa mas maluwag na ‘modified general community quarantine (MGCQ) mahigpit pa ring ipagbabawal ng mga lokal na pamahalaan ang pagtitipon ng maraming tao.

Mag-iisyu umano siya ng memorandum para sa lahat ng kanilang departamento sa Parañaque City Hall ukol sa kanselasyon ng mga Christmas parties.

Una nang nagpatupad ng kanselasyon si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa lahat ng tanggapan ng Quezon City Hall kung saan ang matitipid na pondo para sa kasiyahan ay ibibigay na lamang bilang tulong sa mga pinakamahihirap na residente ng siyudad.

vuukle comment

CHRISTMAS PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with