^

Police Metro

Transaction fees sa online bank payment pinasususpinde

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umapela si Senador Sonny Angara sa lahat ng bangko at mobile payment system na isuspinde ang pangongolekta ng bayaran sa digital transaction dahil patuloy pang nakikipagbuno ang bansa sa corona­virus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni Angara na magsisimula nang mango­lekta ng transaction fees ang mga bangko at mobile money services kahapon sa kabila ng apela ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na palawigin ang panini­ngil ng PESONet at InstaPay transactions.

Paliwanag ni Angara, ginagawa ng gobyerno ang lahat para tulungan ang publiko sa gitna ng pandemya kaya inaasahan na tutulong din ang mga bangko at mga financial institutions.

Maging si Senador Imee Marcos ay nanawagan na suspendihin ang mga transaction fees hanggang sa kalagitnaan ng taong 2021 o kaya ay hanggang magkaroon ng bakuna sa COVID-19.

Partikular na pinasususpinde ang minimum na P15 na service charge sa money transfer gayundin ang P20 na over the counter at  cash withdrawal gamit ang master card at ang sinisingil na 1% hanggang 2% na cash in at over the counter transactions fee para sa P80 pataas na transaksyon sa mga financial technology company.

Nabatid noong 2019  na wala pang pandemya kumita sila sa e-transactions ng P750 bilyon.

vuukle comment

COVID-19

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with