^

Police Metro

Batanes nagtala ng unang kaso ng COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtala ng kauna-unahang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang isla ng Batanes.

Sa ulat ng Batanes Provincial COVID-19 Task Group, isang 29-anyos na residente ang umuwi sa probinsya nitong Setyembre 22 ang na-test na positibo sa COVID-19 nitong Lunes.

Base sa kaniyang ‘travel history’, lumalabas na galing siya sa isang quarantine facility sa Sta. Rosa, Laguna.

‘Asymptomatic’ o walang sintomas naman ang pasyente at dinala na sa isang ‘quarantine facility’ sa Basco, Batanes habang ang lahat ng nakasalamuha niya ay isinasailalim na rin sa ‘close monitoring’ ng lokal na pamahalaan.

Sinabi naman ng Department of Health (DOH) na hindi pa naiuulat sa kanilang database ang naturang kaso sa Batanes nitong Setyembre 29.

Nakikipag-ugnayan na umano sila sa lokal na otoridad para makakalap ng mga dagdag na impormasyon ukol dito lalo na at unti-unti nang binubuksan sa mga turista ang mga tourist destination sa bansa at isa ang Batanes sa paboritong pasyalan ng mga lokal na turista dahil sa magagandang tanawin nito.- Raymund Catindig

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with