^

Police Metro

85% Pinoy nag-aalala na mahawa ng virus

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ayon sa pinakahuling Social Weather Stations survey ay nangangamba ang may 85% ng mga Filipino na mahawaan ng coronavirus disease 2019.

Sa SWS survey na isinagawa noong Setyembre 17-20, lumabas na sa 85% ng mga Pinoy na nag-aalala na posibleng mahawaan sila ng naturang sakit,  63% ang “matindi’ ang pag-aalala habang 22% ang bahagyang nag-aalala.

Ang naturang resulta ay kahalintulad ng naitala ng SWS may tatlong buwan na ang nakararaan.

Nabatid na siyam na porsiyento lang ang konti ang pagkabahala habang 6% ang hindi nababahala na mahawa ng COVID-19 ang sinumang miyembro ng kanilang pamilya.

Ang antas ng pagkabahala ay mataas sa Luzon sa 87%; na sinundan ng Visayas, 84%; Metro Manila, 83% at Mindanao, 80%.

Nabatid na mataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, subalit ang worry rate rito ay bahagyang bumaba sa 83% mula sa 92% noong Mayo at Hulyo.

Isinagawa ang SWS survey sa 1,249 Pinoy na edad 18 pataas gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interview at may sampling error margin na  ±3% para sa national percentages, ±6% sa Metro Manila, ±5% sa Luzon, ±6% sa Visayas, at ±6% sa Mindanao.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with