^

Police Metro

Metro Manila maaaring ilagay sa MGCQ bago mag-Pasko - UP expert

Angie dela Cruz - Pang-masa
Metro Manila maaaring ilagay sa MGCQ bago mag-Pasko - UP expert
Ito ang naging pahayag ni Professor Ranjit Rye, expert ng University of the Philippines (UP)-OCTA Research team dahil gumaganda na umano ang sitwasyon sa Covid-19 ang National Capital Region, bagama’t nananatili maaga pa para maibaba ang qua­rantine status sa ngayon.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Kung magkakaroon ng patuloy na pagbaba ng trend sa bilang ng Covid-19 para sa susunod na buwan ay malaki ang posibilidad na mailagay sa modified general community quarantine (MGCQ) ang  Metro Manila.

Ito ang naging pahayag ni Professor Ranjit Rye, expert  ng University of the Philippines (UP)-OCTA Research team dahil gumaganda na umano ang sitwasyon sa Covid-19 ang National Capital Region, bagama’t nananatili maaga pa para maibaba ang qua­rantine status  sa ngayon.

“Yon naman ang ating personal at tsaka community goal dito sa NCR na maluwag tayo this Christmas. As normal as possible ‘yong Christmas natin, Eh kung magbubukas tayo prematurely, kakalat na naman,” pahayag ni Rye.

Anya, habang ang kapasidad sa mga ospital sa  NCR ay hindi pa kritikal, hindi pa rin ito sapat para sa muling pagdami ng kaso.

“May downward trend po pero ‘di naman ibig sabihin permanente ‘yan. Magbabago ‘yan kung magpapabaya tayo at magkukumpiyansa,” sabi ni Rye.

Sa R-naught na tala ng reproduction ng Covid-19 cases ay bumaba sa .85 habang sa NCR’s R-naught ay .77. Ang R below 1 ay nangangahulugan anya ng gumagandang sitwasyon.

Buong araw ng Oktubre ay pinanatili ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa GCQ ang buong Metro Manila gayundin ang Batangas, Tacloban, Iloilo, Bacolod, at Iligan.- Danilo Garcia, Malou Escudero, Mer Layson

vuukle comment

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with