Traditional jeepney drivers nagpasaklolo sa SC
MANILA, Philippines — Isang grupo ng mga tsuper ng tradisyunal na jeepney ang humingi ng saklolo sa Korte Suprema.
Sa kanilang petition for certiorari and prohibition, iginiit ng mga miyembro ng National Confederation of Transportworkers Union o NTCU na makabalik-pasada na maraming pang mga tradisyunal na jeepney na hanggang ngayon ay bigo pa ring makabiyahe dahil sa COVID-19 community quarantine.
Kinuwestyon ng grupo kung bakit marami pa ring jeepney ang hindi nakakabiyahe gayong marami na raw na public utility vehicles o PUVs ang inuna na mabalik sa kalsada.
Apela nila sa Kataas-taasang Hukuman, ipahinto na ang anila’y “discriminatory enforcement” o diskriminasyon sa pagpapatupad ng tigil-pasada.
Kinukwestyon din nila ang otoridad ng Department of Transportation, LTFRB, at Inter-Agency Task Force o IATF para suspendihin ang public transportation, na wala umanong basehan sa ilalim na ng batas o Konstitusyon.
Ayon kay Ernie Cruz, pinuno ng grupong National Confederation of Transportworkers’ Union (NCTU), sana magising na ang DOTr dahil hindi umano maganda ang desisyon nila na ipahinto pa rin ang biyahe ng mga tradisyunal na jeepney lalo’t maraming naiwang nagugutom, namamalimos dahil nawalan ang kabuhayan.
- Latest