DOH: Mga kaso ng COVID-19 bumaba na
MANILA, Philippines — Bumaba na ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ang naobserbahan ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na bumaba na ang average na bilang nito sa 1,000 hanggang 1,200 kumpara sa dating 3,000 kada linggo.
“Pag tiningnan natin yung number of cases and we look at the trend nung ating average per week, nakikita natin na bumababa,”wika nito.
“We cannot be complacent at this point. Kailangan nandiyan pa rin ‘yung ginagawa natin na minimum health standards, kailangan lahat tayo vigilant pa rin,” lahad pa ni Vergeire.
Binanggit naman ng DOH ang mga hakbang ng gobyerno para mapababa ito katulad ng “One Hospital Command.”
“All of these things taken together, sa tingin namin ay nagkakaroon naman ng epekto na maganda dito sa ating response,” lahad pa nito.
- Latest