12 rutang NCR-CentralLuzon-Calabarzon bubuksan na
MANILA, Philippines — Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bubuksan na ang 12 ruta mula Metro Manila patungo sa mga probinsya ng Central Luzon at Calabarzon mula sa Setyembre 30.
Ang mga sumusunod ang mga rutang papayagang bumiyahe patungo at pabalik ng NCR:(1)San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City (2) Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx) (3) Lemery, Batangas – PITx (4) Lipa City, Batangas – PITx (5)Nasugbu, Batangas – PITx(6) Indang, Cavite – PITx (7) Mendez, Cavite – PITx (8) Tagaytay City, Cavite – PITx (9)Ternate, Cavite – PITx (10) Calamba City, Laguna – PITx (11) Siniloan, Laguna – PITx (12) Sta. Cruz, Laguna.
Ayon sa ahensya maaaring bumiyahe ang mga Public Utility Bus (PUB) kung mayroong balidong Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-051.
Dagdag ng ahensya dapat ding nakarehistro ang bawat unit ng bus sa Personal Passenger Insurance Policy sa mga rutang nakapaloob sa memorandum ng walang Special Permit.
Ang wala namang Special Permit ay dapat magkaroon ng QR Code mula sa operator na dapat nakapaskil sa bawat bus.
Maaaring magdownload ng QR Code sa official website ng LTFRB.
Mandatoryo rin ang paglalagay ng Global Navigation Satellite System (GPS) sa bawat bus upang ma-monitor ang mga biyahe.
- Latest