Mga kumpanya na umalis sa Hong Kong, posibleng lumipat sa Pinas
Sa Financial Technology Industry Development Act (HB 7760) ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, iniaatas ang paglikha ng ‘Financial Technology Office’ (FTO) sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na babalangkas ng isang ‘Financial Technology Industry Roadmap’ at pagpapasulong sa ‘financial technology industry’ ng bansa.
AFP/Isaac Lawrence
Mga kumpanya na umalis sa Hong Kong, posibleng lumipat sa Pinas
Doris Franche (Pang-masa) - September 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng lumipat sa Pilipinas ang mga kumpanya na nagsilayasan sa Hong Kong dahil sa isang panukalang batas na nakahain sa Kamara na may mga kaakit-akit na benepisyo.

Sa Financial Technology Industry Development Act (HB 7760) ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, iniaatas ang paglikha ng ‘Financial Technology Office’ (FTO) sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na babalangkas ng isang ‘Financial Technology Industry Roadmap’ at pagpapasulong sa ‘financial technology industry’ ng bansa.

Layunin din ng HB 7760 na pahabain ang panahon upang magkaroon ng ‘Special Investors Resident Visa’ (SIRV) ang mga mamumuhunan sa pananalaping teknolohiya at mga manganga­siwa nito, gaano man kalaki ang pupuhunanin nila, basta irerekomenda ng gobernador ng BSP.

Ang mga kumpan­yang ‘fintech’ ay guma­gamit ng makabagong teknolohiya sa pana­nalapi upang maging higit na mahusay kaysa mga tradisyunal na pamamaraan sa serbis­yong pananalapi.

Kasama sa mga ha­lim­bawa nito ang ‘virtual banks, online lending facilities, crypto-currencies and blockchain.’ Si Salceda rin ang may-akda ng ‘Virtual Banking Act’ (HB 5913) na naglala­yong isulong ang mga ‘virtual banks’ na masiglang tinanggap ng BSP.

Naglalayasan sa Hong Kong ang mga kumpanyang ‘fintech’ dahil sa pinatinding paghihigpit sa kanila.

BSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with