Yap: Magsakripisyo muna ngayong pandemya
“Sana maintindihan ng mga kasama natin dito sa Kongreso na may krisis tayo ngayon at kaila­ngan magsakripisyo dahil priority ang pagbili ng bakuna laban sa Covid kapag ito ay lumabas na,” ayon kay Cong. Yap.
Facebook / Cong. Eric Go Yap
Yap: Magsakripisyo muna ngayong pandemya
Doris Franche (Pang-masa) - September 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan si House Appropriations Chairman at ACT-CIS Cong. Eric Yap sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso matapos ang napabalitang plano na kudeta laban kay Speaker Alan Peter Ca­yetano na isantabi muna ang pulitika at magsakri­pisyo ngayong pandemya para sa taumbayan.

Bukod dito ay umugong din ang balitang masama ang loob ng ilang mambabatas dahil binawasan ang budget sa kanilang distrito.

“Sana maintindihan ng mga kasama natin dito sa Kongreso na may krisis tayo ngayon at kaila­ngan magsakripisyo dahil priority ang pagbili ng bakuna laban sa Covid kapag ito ay lumabas na,” ayon kay Cong. Yap.

“Mag-focus na lang sa pagbalangkas ng mga batas kung papaano maka­karekober ang lahat matapos itong pandemya,” dagdag ni Yap.

Nauna nang sinabi ni Yap na inaasahan nila ang budget deficit sa susunod na taon dahil tiyak hindi makakalap ng gobyerno ang buwis na target nito ngayong taon dahil sa pandemya.

ALAN PETER CA­YETANO ERIC YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with