^

Police Metro

Manager tinodas ng riding-in-tandem

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang operations manager ng isang transport company nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si John Patrocinio, 46, may-asawa, operation manager ng Power V Marine Transport Services at nakatira sa Villa Corazon Condo, 2nd Street, Brgy. 638 Concepcion Aguila, Mendiola, Maynila.

Tumakas ang dala­wang salarin na nakasuot ng asul na jacket at maong na pantalon na sakay ng isang asul na Nmax type scooter na walang plaka at armado ng baril.

Sa ulat, bago naganap ang pamamaril, alas-4:40 ng hapon sa harapan ng isang gasolinahan sa kanto ng Mel Lopez Blvd. at Pier 18, Brgy. 101, Tondo ay minamaneho ng biktima ang kaniyang maroon na Toyota Revo.

Pagsapit sa gasolinahan ay dinikitan siya ng mga salarin at pinagbabaril. Mabilis na humarurot sa pagtakas ang mga salarin.

Blangko pa ang mga pulis sa pagkakakilanlan sa mga salarin at motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with