DOH: Mga bata ihuhuli sa COVID-19 vaccine
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health na kailangan munang matiyak ang pagiging epektibo at kaligtasan ng bakuna ng COVID-19 kaya’t uunahin ang mga nakatatanda bago ang mga bata na bakunahan.

Ipinaliwanag ng kagawaran na apat na phase ang pagdebelop ng bakuna. Una ay ang “pre-clinical” o ang pagsubok sa bakuna sa mga daga o unggoy para makita ang “immune response” ng mga ito.

Ikalawa ay ang “Phase 1” na ibibigay ang bakuna sa maliit na bilang ng tao (10-100) para masubok kung ligtas, ikatlo ang “Phase 2” kung saan ibibigay ito sa 100-1,000 tao para makita ang pagi­ging epektibo, matiyak ang tamang dosage at makita ang nais na epekto at ikaapat ay ang “Phase 3” kung saan ibibigay na ang bakuna sa mas maraming bilang ng tao.

Dahil dito, ipinayo ng DOH na huwag agad pataasin ang ekspektasyon ukol sa bakuna kung kailan ito pinakamabilis na matatapos.

Unang nagpahayag ng pangamba ang mga health experts ng Emory University School of Medicine sa Atlanta, USA dahil sa wala pang isinasagawang vaccine trials para sa mga bata.

Sinabi ni Dr. Evan Anderson na maaaring magdulot ito ng dagdag na panganib sa mga bata lalo na at aabutan muli ng pasukan sa 2021 na wala pang bakuna para sa kanila.

Kaya naman ay patuloy na humihingi ng koo­perasyon ang Department of Education (DepEd) sa mga paaralan at unibersidad na isulong ang ‘minimum health standards’ at pagpapatupad ng alternatibong ‘school arrangements’ habang wala pang bakuna para sa kabataan.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with