^

Police Metro

6 pagyanig sa Taal, naitala ng PHIVOLCS

Angie dela Cruz - Pang-masa
6 pagyanig sa Taal, naitala ng PHIVOLCS
Pinaalalahan pa rin ng PHIVOLCS ang nasa isla na mag-ingat dahil posible ang biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na naka­pagtala sila ng anim na pagyanig sa loob ng 24 oras sa Bulkang Taal.

Nananatili pa rin ang Alert Level 1 sa bulkan kung saan ito ay abnormal na sitwasyon.

Maliban sa pagyanig, namataan din ang weak steaming or fumarolic activity na tumataas ng limang metro sa main crater nito at fissure vents sa Daang Kastila Trail.

Pinaalalahan pa rin ng PHIVOLCS ang nasa isla na mag-ingat dahil posible ang biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.

Nirekomenda rin ng ahensya ang pagbabawal ng pagpunta sa isla o sa permanent danger zone nito.

Noong Enero 12, 2020 ay pumutok ang bulkan dahilan para isara ang isla sa publiko at ang mga kalapit bayan at lungsod ay naapektuhan ng pagbagsak ng abo at putik mula sa naturang bulkan.

vuukle comment

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with