Chinese trader kinasuhan ng higit 50 empleyado ng pagmamaltrato
Doris Franche (Pang-masa) - September 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsampa ng reklamo sa pulisya ang higit 50 empleyado laban sa amo nilang Intsik dahil sa umano’y ginagawang pagmamaltrato sa kanila.

Kinilala ni Pampanga, San Simon police chief, Maj. Gregorio Santos ang kinasuhan na si Irwin Chua, may-ari ng Real Steel Corp.

Matatandaang Set­yembre 10, mahigit 50 empleyado ang nailigtas ng mga otoridad mula sa nasabing kumpanya, matapos magreklamo ang mga ito na minamaltrato sila at ikinukulong sa loob ng kumpanya.

Bukod sa sinasaktan at kinukulong, ginagawa rin umanong target practice ang mga empleyado ng mga amo nito na pawang mga gun enthusiasts. Hindi rin umano maayos ang mga pasahod at kulang ang mga benepisyo na ibinibigay sa kanila.

Ayon naman kay Ge­raldine Panlilio, Assistant Regional Director ng Department of Labor and Employment (DOLE), nahaharap din sa patung-patong na kaso ng paglabag sa labor law si Chua at ang kasamahan nito.

Sa kasalukuyan ay mayroong 42 Chinese na may Alien Employment Permit (AEP) ang nagtatrabaho sa nasabing tunawan ng bakal.

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with